CENTRAL MINDANAO-Nakadama ng lungkot at nanawagan ng hustisya si Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu sa madugong pagsabog na ikinasawi ng dalawang bata at labing apat ang sugatan.
Matatandaan na tumama sa bahay ng pamilyang Tambak ang bala ng 81 mm mortar sa Brgy Kitango Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Dama ng mga residente ang kabiguan sa nangyaring pagsabog at hustisya ang kanilang hiling para sa mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.
“My family and I were also victims of unspeakable violence, so believe me when I tell you that I understand the gravity of what they (the victims) are going through. But while I understand their sentiments, I fervently ask for temperance and call for cooler heads to prevail,” ani Mangudadatu.
Nanawagan ang mambabatas sa Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagsabog kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Fitr.
Ilang mga residente ang nagsabi na ang pagsabog ay dulot ng mortar shelling ng militar.
Una nang sinabi ni Wester Mindanao Command Chief,Lieutenant General Cirilito Sobejana na magsasagawa rinb sila ng kanilang sariling imbestigasyon sa pagsabog.
Nilinaw ng opisyal na wala silang pinayagang tropa ng militar na magsagawa ng operasyon bilang paggalang at pagrespito sa selebrasyon ng Eid’l Fitr.
“As Chair of the Peace, Reconciliation and Unity Committee at the House of Representatives, I appeal to everyone to please refrain from spreading unverified information that may further lead to more acts of violence,” dagdag ni Mangudadatu.
Sinabi ni Mangudadatu na ang mga insidente tulad nito ay madalas na nagtatapos sa poot at paghihimagsik laban sa gobyerno at sa mga awtoridad.
“I have seen how sons picked up the rifles after their fallen fathers. If we are bent on putting the cycle of violence to an end, then we must stand together and work to achieve lasting peace.”.
Dagdag ni Mangudadatu na bukod sa emosyonal at pinansiyal na suporta ang mga apektadong pamilya ay nangangailangan din ng spiritual at mental counseling sa dinanas nilang paghihirap at pighati.