-- Advertisements --

Nananawagan si Second Congressional Commission on Education (Edcom 2) advisory council Fr. Bienvenido Nebres SJ sa pamahalaan na tutukan ang ilang pagbabago sa sektor ng edukasyon.

Sa isang pahayag, ipinanawagan ni Fr. Nebres na i-decentralize na ang pamamahala nito o ang government structure ng ahensya.

Aniya, dapat ay mayroong otonomiya ang DepEd sa implementasyon ng mga curriculum nito, lalo na sa regional o sa division level.

Inihalimbawa ng opisyal ang tatlong signing authorities sa bansa, ang mismong Secretary, Division Secretary, at ang Principal.

Ayon kay Fr. Nebres, kailangang makahanap ang DepEd ng paraan upang maging lalo pang decentralize ang pamamahala at maging lalo pang epektibo.

Sa kabila kasi ng tatlong signing authorities, sinabi ng opisyal na mayroong 800,000 na guro, at 45,000 elementary schools na pinamamahalaan ng naturang ahensya.