-- Advertisements --

Kasado na sa U.S. House of Congress ang police reform package na magtatanggal sa legal protection ng mga kapulisan sa Estados Unidos na aakusahan ng misconduct.

Ito’y bilang tugon ng bansa sa pagkamatay ng African-American na si George Floyd habang na sa ilalim ng kustodiya ng mga otoridad sa Minneapolis.

Sa botong 236-181, ipagbabawal na rin ang paggamit ng chokehold sa tuwing may aarestuhin ang mga pulis. Bago ito ay hinarang ng Democrats sa Senado ang pagpasa sa naturang panukala dahil hindi umano ito ang sagot sa panawagan ng mga raliyista mula sa iba’t ibang estado.

Ibinalangkas ang panukalang ito ng Congressional Black Caucus na naglalayong panagutin ang lahat ng kapulisan na masasangkot sa agresibong pag-aresto. Dahil din dito ay matutuldukan na ang ilang nakasanayan ng mga otoridad tulad ng paggamit ng no-knock warrants na tinuturong dahilan sa nakalipas na pagkamatay ng mga Black Americans.

“Americans from every walk of life and corner of the country have been marching, protesting and demanding that this moment of national agony become one of national action,” saad ni House Speaker Nancy Pelosi.

“Today with the George Floyd Justice in Policing Act, the House is honoring his life and the lives of all killed by police brutality and pledging, never again.”