Pursigido ang Department of Justice (DoJ) na maisulong ang mga reporma sa sistema ng hustisya sa bansa.
Ayon kay Justice Sec Jesus Crispin Remulla, pangunahin ito sa mga isyung pinag-uusapan sa pagitan nila ng Korte Suprema na makakasama ngayong araw sa isang pananghalian sa Department of Justice (DoJ).
Kabilang aniya sa hakbang na masusi nilang pinag-aaralan ay ang pagpapababa sa piyansa sa mga bailable na kaso sa hanggang P10,000.
Kung mapapansin aniya ay mga mahihirap na walang kakayahang makapag piyansa ang mga nakapiit sa ibat ibang kulungan sa bansa
Ayon sa kalihim, kasama ito sa mga hakbang para rin mapaluwag ang mga kulungan mula sa mga suspek na wala namang panganib nang pagtakas at naghihintay sa pag-usad ng paglilitis sa kanilang mga kaso.