Hanggang sa ngayon wala pa ring kumpirmasyon na nakukuha ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa pagkamatay ng isa Maute brothers partikular si Omar.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay AFP spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, matagal aniyang kumakalat ang nasabing balita subalit hanggang sa ngayon hindi pa rin validated.
Sinabi ni Padilla na bagama’t mayroon silang nakukuhang magandang impormasyon ukol sa pagkamatay ni Omar Maute, kailangan pa itong isailalim sa malalimang validation.
Kailangan daw nila ng mga pruweba na magpapatunay na patay na nga ang isa sa Maute brothers na nanguna sa Marawi siege.
Una ng napabalita na namatay sa airstrike ang isa sa magkapatid na Maute.
“Although we have good information on it, we still need to validate the information and look for proof to back this up,” mensahe na ipinadala ni Padilla sa Bombo Radyo.
Sa ngayon nagpapatuloy ang clearing operations ng militar sa Marawi at hindi masabi kung hanggang kailan tatagal ang sitwasyon.
Sana raw ay maintindihan din ng publiko na hindi basta-basta ang ginagawa ng militar sa lugar kahit napakahirap unawain ng sitwasyon.
” What I am saying is that it is complex , it not that easy, people arevery impatient but they dont know the sacrifices of their soldiers, its easy to say why are we not finish yet,” paliwanag ni Padilla.