Isusumite ngayong araw ang report ng panel na inatasang mag-aral sa implementing rules and regulations (IRR) ng good conduct time allowance (GCTA).
Ayon kay Justice Undersecretary for Correction Deo Marco, binigyan lamang sila ng 10 araw ni Sec. Menardo Guevarra para sa trabahong ito kaya kinailangan nilang magpuyat para matapos ang review.
Sa ilalabas na revised IRR, direkta na umanong tutukuyin ang mga kasalanang bawal mabigyan ng GCTA.
Samantala, inamin ni Marco na wala pang naibibigay na paliwanag ang BuCor officials ukol sa maling mga entry sa record ni Janet Lim-Napoles.
Matatandaang marami ang nagulat nang lumabas ang impormasyon na sa halip na plunder ang kaso ni Napoles ay “rape” ang nakalagay sa data sheet at qualified pa raw ito sa GCTA.