-- Advertisements --

Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magbigay ng linaw ang Department of Health (DOH) sa isyu ng dengue cases na tinutugunan ng ahensya.

Ayon kay Recto, ang DoH ay nagsasabing may mahigit 106,000 na kaso ng dengue sa buong kapuluan mula Enero hanggang Hunyo 2019.

Pero ang mga kumukuha ng claims sa PhilHealth ay nasa 174,000.

Nais malaman ni Recto kung hindi lang updated ang DoH o kung may bahid ng pagkakamali ang record ng PhilHealth.

Payo ng mambabatas, kung talagang malawak ang problema, maaaring gawing option ang calamity fund para mapigilan ang dengue na maging epidemya sa buong bansa.