-- Advertisements --

Bahagyang bumaba ng 1.74 ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila o ang average number ng mga nahahawaan ng virus halos isang linggo matapos ipatupad ang ECQ.

Ayon sa OCTA research group, basi sa latest monitoring report, nakitaan ng pagbaba ang reproduction number mula 1.80 ay bumaba ng 1.74 as of August 10.

Subalit iginiit ng OCTA na nananatili pa ring “uncertain” ang trend ng COVID-19 cases.

Inulat din ng OCTA na nasa average 2,297 new cases per day sa nakalipas na linggo, 43% na mas mataas mula sa mga nagdaang linggo.

Sa kabila nito, sinabi ng OCTA na ang kanilang preliminary projections ay nagpapakita na ang 7 day average COVID cases ay hindi lalagpas sa 2,500 new cases.

Ibig sabihin kapag tumugma ang naunang projections, ang surge capacities pagdating sa testing at hospital utilization ay hindi maapektuhan.

Ayon kay OCTA research fellow Prof. Guido David na hindi pa masasabi sa ngayon kung mapapalawig pa ang kasalukuyang ECQ sa buong Metro Manila pero kung pagbabasehan aniya ng DOH ang healthcare utilization, posibleng aabot ito sa 70%.

Wala pa aniyang kasiguraduhan kung bababa ang ICU utilization rate pagdating ng Agosto 20 na siyang itinakdang huling araw ng umiiral na ECQ sa NCR para mapigilan ang pagkalat ng highly transmissible na COVID-19 Delta variant.