-- Advertisements --
DR GUIDO DAVID

Bumaba na raw ang reproduction number ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

Ang reproduction number ay patungkol sa average number ng secondary infections ng mga infected na indibidwal sa naturang nakamamatay na virus.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, bumaba ng 1.43 ang reproduction ng covid noong Agosto 31, 2021.

Ang naturang figure ay mas mababa sa 1.56 na nai-record noong August 24, 2021.

Bumaba rin umano ang reproduction number sa Quezon City (1.27) at Manila (1.33).

Kung maalala ang NCR ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang September 7.

Pero nanguna pa rin sa mga probinsiya at rehiyon na mayroong pinakamataas na bilang ng COVID-19 sa katapusan ng Agosto na mayroong 3,515 cases.