-- Advertisements --

Umaasa ang OCTA Research Group na magpapatuloy ang magandang indicators sa COVID-19 case sa bansa partikular sa Metro Manila.

Sinabi ni Dr. Guido David, sa ngayon ang reproduction rate sa NCR ay nasa 0.66 percent habang ang positivity rate ay nasa 14 percent at posibleng maging 13 o 12 percent na lamang sa katapusan ng linggo.

Ayon kay Dr. David, umaabot na lamang sa 2,000 ang daily avaerage ng bagong COVID-19 cases sa Metro Manila kahit pa pumapalo sa mahigit 7,000 ang naitatalang new cases kada araw sa buong bansa.

Ipinaliwanag din ni Dr. David na ang fluctuation o ang pagtaas at pagbaba bigla ng COVID-19 cases sa bansa ay maituturing na artificial lamang dahil may mga testing centers na nade-delay sa submission ng report kaya kung nagkakasabay-sabay, nagkakaroon ng biglaang pagtaas ng mga kaso.

Ang mahalaga daw ay patuloy na bumababa ang 7-day average sa NCR sa loob na ng tatlong linggo habang ipinatutupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ).