Sinalubong ng hiyawan standing ovation si dating Republican Cong. Adam Kinzinger, matapos niyang ikampanya ang Harris-Walz tandem sa huling araw ng Democratic national convention.
Nagtungo si Kinzinger sa chicago kung saan isinasagawa ang convention at sinabi niyang hindi niya inakalang pupunta siya minsan sa rally ng democrats.
Mahigit 12 years kasing nagsilbi ang dating kongresista sa mababang kapulungan at sa loob ng panahong iyon ay bahagi siya ng republican party.
Ayon kay Kinzinger, halos pareho lamang ang Republicans at democrats, parehong patriotic sa bansa, at nagmamahal sa Amerika.
Gayunpaman, naniniwala siya na nagbago na ang conservative outlook ng mga Republican tungo sa pagiging makasarili.
Binanatan naman ni Kinzinger si dating US Pres Trump. Sinabi niyang ang dating pangulo ng US ay isang mahinang indibidwal na gusto lamang ipakitang malakas.
Isa aniya si Trump na magaling magbalatkayo, katulad ng pagiging mabuting tao, mabait na tao, at kung anu-anupang positibong trait na pawang walang katotohanan.
Si Kinzinger ay dating nagsilbi bilang kinatawan ng Illinois ngunit tumiwalag sa kanyang partido kasunod na rin ng malawakangpanawagan noon para sa impeachment ni dating us pres donald trump dahil sa january 6 attack sa US capitol.