Nagbubunyi umano ang ilang mga Republicans states gaya ng Texas, Oklahoma at Florida sa naging desisyon ng Korte Suprema ng Amerika sa pagbabawal ng abortion.
Maging ang ilang Filipino community umano na karamihan ay Kristiyano at tutol sa abortion.
Sa report sa Bombo Radyo ni Rufino “Pinoy” Gonzales mula sa Texas, sinabi nito na makalipas daw kasi ang 50 taon mula 1970s, ngayon lamang ganap na naipagbawal ang abortion sa Amerika dahil sa ilalim ng administrasyon ni dating US President Donald Trump marami aniyang na-appoint na Republicans na Supreme Court justices.
Aniya, sa oras na nagdesisyon ang Korte Suprema otomatiko ng ban ang abortion.
Kung kaya’t para sa mga tutol dito at nais na magpa-abort ay sa mga Democratic state na lamang pupunta kung saan legal ang abortion.
Sinasabing kasi na mistulang nangingibabaw ang pulitika sa Amerika kumpara sa kanilang faith o pananampalataya.
Ang mga estado naman gaya sa California, New york at Massachusetts na pro-abortion ay malaki ang ginugugol na pera ng federal government para sa lahat ng expenses sa abortion.
Habang sa panig naman ng mga Republicans taliwas ito sa kanilang pananampalataya na ipalaglag umano ang bata sa sinapupunan.
Una rito, naglabas ng desisyon ang US Supreme Court na nagbabawal sa federal constitutional right sa abortion.
Ito ay matapos na mabaligtad ng Korte Suprema sa Amerika ang makasaysayang 1973 “Roe vs. Wade” decision na nagbibigay ng karapatan sa mga kababaihan na sumailalim sa abortion.
Base sa naganap na botohan limang justices ang pumirma sa majority opinion na kinabibilangan habang tatlong republican