-- Advertisements --

WASHINGTON, DC – Maaga pa lang ay lumilitaw na sa data na makukuha ng Republican senators ang control sa US Senate sa pagpasok ng susunod na administrasyon.

Lumilitaw kasing nakakuha ng malaking bilang ng suporta ang red senators sa nagpapatuloy na bilangan.

Maliban kasi sa pangulo at pangalawang pangulo ng US, bumuto rin ang US voters ng iba pang mga posisyon.

Kinabibilangan ito ng 435 seat sa lower chamber ng US Congress (House of Representative).

Sa kasalukuyan, mayroong slim majority ang mga Republican sa House of Reps.

Pupunan din ng US voters ang 1/3 ng US Senate. Ito ay katumbas ng 34 seats mula sa kabuuang 100 seat. Sa kasalukuyan, hawak ng Democrats ang Senado via one-seat margin.

Kasabay ng US Presidential Elections, pagbobotohan naman ng mga tao ang abortion rights sa sampung estado. Kinabibilangan ito ng Arizona at Nevada.

Sa apat na estado na kinabibilangan ng Florida, Nebraska, North Dakota at South Dakota, boboto rin ang mga botante sa legal na recreational o medical marijuana.

Sa ilan pang mga lugar, boboto naman sila kung paano gustong isagawa ang elections sa kanilang sariling estado.