-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-silipatan na umano ang ilan sa political supporters ni dating United States of America President Donald Trump patungo sa Democrats party na kasalukuyang pinamunuan ni incumbent American President Joe Biden.

Kasunod ito sa ginawang pagpataw ng guilty verdict sa 12 na jurors upang himayin ang lahat ng mga ebedensiya na inihain ng government prosecutors at defense team patungkol sa kinaharap na 34 counts ng felony case na kinaharap ng dating pangulo ng Estados Unidos.

Alinsunod ito sa inilahad ni US-based Bombo International News Correspondent Gabriel Ortigoza ilang oras pagkatapos pinatawan ng Manhattan court ng New York City si Trump.

Sinabi ni Ortigoza na maaring magdulot ito ng malaking political impact sa Republican Party National Convention kung saan opisyal na ihalal nila si Trumpa sa Hunyo bilang pantapat kay Biden sa 2024 US elections sa Nobyembre.

Pag-amin nito na naging intresado ang US residents at ibang nationalities sa usaping ‘felony cases conviction’ dahil kauna-unahan ito sa kasaysayan ng Amerika na nahatulang guilty ang isang dating pangulo dahil sa pamemeke ng ilang business document records na humantong nang panunuhol kay porn star Stormy Daniels ilang araw bago ang 2020 US elections kung saan tinalo ito ni Biden.