-- Advertisements --
Sinibak si Republcan Representative George Santos dahil sa ethics violations.
Nakakuha ang resolusyon ng 311 na pumabor , 114 ang kumontra na mayroong 105 na kapartido nito sa Republicans ang bumuto na mapatalsik ang mambabatas mula New York.
Una ng inanunsiyo ni Santos na siya ay hindi na tatakbo muli sa halalan pero hindi ayaw naman nitong magretiro sa puwesto.
Nagbunsod ang pagpapatalsik matapos ang lumabas na ulat na ginamit ni Santos ang campaign money sa Botox, OnlyFans at ibang mga luho sa katawan.
Siya ang unang mambabatas na mapatalsik sa lower chamber sa loob ng 20 taon.
Tinawag ng mambabatas na tapos na ang nasabing isyu dahil sa nagsalita na sa pamamagitan pagbobotohan ang mga mambabatas.