Naniniwala ang mga Republican leaders sa US Senate na wala umanong rason upang imbestigahan ang umano’y panunuhol ni President Donald Trump sa sinasabing mga nakarelasyon nito.
Una nang nadidiin si Trump sa umano’y pagbabayad nito sa ilang mga kababaihan para manahimik noong panahon ng 2016 presidential elections.
Ayon kay Sen. Ron Johnson, nais daw nitong hintayin na lang muna ang imbestigasyon na pinangungunahan ni special counsel Robert Mueller.
Sa pahayag naman ni Sen. Lindsey Graham, sinabihan daw nito si Trump na makinig na lamang sa kanyang mga abugado sa kung dapat ba itong sumunod sa request ng mga Democrats.
Samantala, nagpakawala rin ng banat si Trump sa mga Democrats, na tinawag nitong “stone cold crazy.”
Giit ni Trump, ang imbestigasyon ng House Judiciary Committee laban sa kanya ay maituturing umanong “greatest overreach” sa kasaysayan ng kanilang bansa.
Matatandaang iniimbestigahan ng mga Democrats sa US House ang umano’y impeachable offenses ni Trump gaya ng obstruction of justice at abuse of office.