-- Advertisements --

Tambak na umano sa ngayon ang request for exemption ng mga pulitiko para sa kanilang police security detail.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, sa ngayon sinusuri pa ng kanilang hanay kung pagbigyan ang request ng ilang mga kandidato.

Mahalaga raw ito para mabatid kung sino sa mga kandidato ang medyo delikado o may banta sa kanilang buhay.

Kung aprubado ang request ng mga kandidato na police escort, kailangang nakasuot ng uniporme ang mga ito.

Ni-recall na rin ng PNP ang nasa 457 police escorts ng mga local officials simula noong unang araw ng election period na nagsimula nitong Linggo, Enero 13.

Layunin umano ng pag-recall sa mga police escort ay para hindi mabahiran ng pulitika ang mga pulis.

Tiniyak naman ni Albayalde na mananatiling non-partisan ang mga pulis.