-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpalabas ng iskedyul ang LGU-Kabacan Cotabato Rural Health Unit kaugnay sa isasagawang pagbabakuna sa bayan.

Kaugnay nito, may isasagawang pagbabakuna gamit ang Johnson & Johnson Vaccine na Janssen.

Ang nasabing bakuna ay single dose lamang na prayoridad na ibakuna sa mga Geographical Isolated Disadvantage Area o GIDA. Dahil nga sa distansya ng lugar mainam ito para sa mga malalayong lugar ganoon din sa mga Densely Populated Area.

Patuloy naman sa paghihikayat si ABC President Evangeline Pascua-Guzman sa mga BLGU na tulungang maihatid sa mga residente ang impormasyon patungkol sa pagbabakuna.

Sisimulan ang pagbabakuna ngayong araw July 28 hanggang July 30, 2021.