-- Advertisements --
forward truck
Tboli accident

(Update) KORONADAL CITY – Isinalaysay ng mga unang rumesponde sa pagkahulog ng forward truck sa bangin sa T’boli, South Cotabato ang kanilang ginawang pagtulong sa mga biktima mg trahedya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Jojie Abibiason, 29 , residente ng nasabing bayan at isa sa mga unang tumulong sa mga biktima, ipinahayag nito na nagulat sila ng makasalubong sa daan ang forward truck na halos mawalan na umano ng kontrol.

Ayon kay Abibiason, kitang-kita umano nila ang pagkahulog ng truck sa bangin kung saan agad naman nilang tinulungan ang mga batang biktima upang maisalba ang mga ito.

Naririnig pa umano nito ang sigaw ng mga sugatang biktima na humihingi ng tulong at rescue.

Kabilang umano sa nailigtas ng mga ito ay ang mag-asawa at isang 8-month old baby.

Samantala, ipinasiguro naman ng provincial government ng South Cotabato na magbibigay ng funeral at medical assistane sa lahat ng mga biktima.

Ayon kay PDRRMO Operations and Warning Chief Rolly Doane Aquino, nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng mga biktima upang ipaabot ang tulong na magmumula sa lokal na gobyerno.

Sa ngayon, 14 pa sa 34 na biktima ang nananatili sa mga bahay pagamutan sa probinsya samantalang 20 naman ang kumpirmadong patay kabilang na ang isang buntis at mga bata.