-- Advertisements --

Doble kayod ngayon ang mga French at Italian rescuers matapos ang pagragasa ng bagyong Alex sa border ng dalawang bansa.

Walong katao ang kasalukuyang pinaghahanap sa border na sakop ng France kung saan dalawang katao na ang nasawi sa Italy.

Nakatutok ang nasa 1,000 firefigthers sa Roya Valley kung saan gumamit pa ang mga ito ng helicopter.

Nag-ikot naman si French Prime Minister Jean Castex sa mga lugar na sinalanta ng malakas na pag-ulan.