-- Advertisements --

Nakabalik na sa kanilang bansa ang mga Singaporean search and rescue team na tumulong sa paghahanap ng mga survivors ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.

Ayon kay Colonel Chew Keng Tok isa sa mga miyembro ng Singapore Civil Defense Force na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para tulungan ang mga mamamayan ng Kahramanmaras province ang epicenter ng lindol.

Tiniyak naman ng US na gagawin nila ang kanilang makakaya para tulungan ang Turkey.

Sinabi ni US State Department spokesperson Vedant Patel, na nakikipag-ugnayan sila sa United Nations at ilang mga Non-Government Organizations para makakuha ng mga tulong.

Nanawagan naman ang World Health Organization (WHO) ng $84.5 milyon na tulong para matugunan ang pangangailangang medical ng mga biktima ng lindol sa Syria at Turkey.

Labis kasi nilang pinangangambahan na marami ang magkakasakit matapos ang pagdaan ng malakas na paglindol.

Sa kasalukuyan ay aabot na sa halos 44,000 katao na ang nasawi kung saan nasa 38,044 katao ang mula sa Turkey habang mayroong mahigit 5,800 katao ang nasawi sa Syria.