Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gagawa sila ng paraan para ma rescue nila ang kanilang mga kasamahan na bihag ngayon ng rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Marine Col. Edgard Arevalo na ang paglulunsad nila ng rescue operations ay siyang magiging sentro ng kanilang ilulunsad na combat operations laban sa rebeldeng NPA.
Sinabi ni Arevalo na ngayon magagawa na ng militar ang paglunsad ng operasyon laban sa rebeldeng grupo ngayong inalis na ang unilateral ceasefire.
Paliwanag ni Arevalo na tali ang kanilang kamay nuong panahon epektibo pa ang ceasefire at may suspension of military operations ang AFP.
” We can now conduct combat operations against them. And the first combat operation that we can do against them is to launch a rescue operation para dun sa ating mga sundalo,” wika ni Arevalo