CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng rescue operation sa isang mag-aaral na hinihinalang nalunod sa ilog na nasasakupan ng Upi, Gamu, Isabela.
Ang biktima ay si Karl Cedric Sacasac, 12 anyos, Grade-7 at residente ng barangay Upi, Gamu Isabela.
sa naging panayam ng bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Captain Gerriyel Frogoso, hepe ng Gamu police Station na batay sa nakuha nilang impormasiyon nag- bisikleta ang biktima kasama ang tatlong pang menor de edad sa bahagi ng Junction Upi, Gamu nang magpasya ang mga itong magtungo sa ilog upang maghugas ng bisikleta.
Ayon sa mga kasamahan ni Sacasac, naghahabulan lamang sila sa mababaw na bahagi ng Ilog nang bigla na lamang umanong lumubog sa tubig ang biktima.
Aniya, Malayo sa kabahayan ang naturang ilog kaya agad na tumakbo ang mga kasamahan nito upang humingi ng tulong.
Ayon kay PCaptain Frogoso, agad silang nagtungo sa ilog upang magsagawa ng search and rescue operation.
Sa kasalukuyan ay nakipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng batang mag-aaral.