Malapit nang itigil ang isinasagawang rescue operation sa mga natabunan ng lupa o gusali kasunod ng malakas na lindol sa Turkiye at Syria.
Ayon sa United Nation, ito ay para tutukan ang tulong sa mga nakaligtas tulad ng pagbibigay ng tirahan, pagkain at atensyong medikal tulad ng psychosocial care.
Bagaman patuloy ang paghahanap ng Philippine rescue team sa mga posibleng nakaligtas mula sa debris, sinabi ni Abram Buna team leader ng Urban Search and Rescue ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na maliit na lang ang tyansa na may makita pang buhay dahil pitong (7) araw na ang nakakalipas at malamig pa ang panahon.
Noong nakaraang araw may nasasagap pang buhay sa mga debris mula sa life detector pero sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na itong nawawala.
Tinatayang nasa 40,000 na ang namatay kasunod ng malakas na lindol sa turkey at Syria.