Hanggang sa ngayon hindi pa rin narerekober o nakikita ang bangkay ng German kidnap victim na pinugutan ng ulo ng teroristang Abu Sayyaf.
Ito’y matapos hindi nakapag bayad ng ransom na kapalit para sa kanyang kalayaan.
Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na ginagawa na nila ang lahat ng paraan para makita ang bangkay ng biktima.
Sa kabilang dako, prayoriad din ng militar ngayon ang ma-rescue ang nasa 31 na mga bihag na hawak ngayon ng bandidong Abu Sayyaf.
Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay Col. Sobejana na sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang kanilang rescue operations.
Sa ngayon kasi nasa 31 mga bihag ang hawak ng bandidong grupo 12 dito ay Vietnamese, 6 na Pinoy, 1 Dutch, 7 Indonesians t 5 Malaysians.
Pahayag ng opisyal na maingat sila sa mga inilulunsad nilang focused military operation para di mailagay sa mas mapanganib na sitwasyon ang natitirang 31 pang bihag.
Miyerkules ng hapon ng makasagupa ng mga operating units ng 13th Scout Ranger Company ang nasa 70 miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na nag resulta sa 2 Abu Sayyaf patay at lima ang sugatan.
Sa panig ng militar nasa 11 naman ang sugatan.
Grupo nina Abu Rami ang nakasagupa ng mga sundalo.