-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations sa isang lalaki na nalunod matapos ang paglubog ng dalawang bangka sa isang fluvial parade sa lungsod ng Taguig.
Naganap ang aksidente pasado alas-5 p.m. sa pagdiriwang ng kapiyastahan ni Sta. Ana at Taguig River Festival.
Kinilala ang nawawalang biktima na si Jester Romero na kasama sa mga lumubog na bangka.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, maaaring overloaded ang bangka kaya lumubog ito.