-- Advertisements --
image 227

Sinimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglulunsad ng rescue operations o pagsagip sa mga indigenous indibidwals (IPs) o mga katutubo na nagpapalaboy sa mga kakalsadahan sa Metro Manila para malimos ng pagkain o pera lalo na ngayong nalalapit na Christmas holidays.

Ginagawa ng ahensiya ay pinapabalik ang ating mga kababayang badjao at Aeta na nasa NCR sa kani-kanilang lugar at isusunod din ang mga nasa malalaking lungsod sa bansa.

Kasabay nito ay tinutulungan din ng ahensiya ang mga ito sa kanilang problema gaya na lamang pagdating sa kanilang hanapbuhay kung saan inatasan na ang opisyal ng DSWD na nakatutok sa Standard and Capacity Building Group na magbigay ng P10,000 sa bwat pamilya ng Indigenous individual na nasagip bilang intervention para maibsan kahit papano ang kanilang kahirapan.

Maliban dito tinutungo din ng mga opisyal ng ahensiya ang mga komunidad para makita kung ano ang kanilang pangangailangan, maresolba ang kanilang mga problema at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Inihayag din ng DSWD na ang kanilang sunod na misyon ay makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan para masagip ang mga street children sa mga susunod na araw para makapag-aral ang mga ito at magkaroon ng maayos na mga tahanan.