-- Advertisements --

Maaring abutin pa ng ilang linggo para malaman ang kabuuang pinsala ng pagtama ng magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar.

Ayon kay International Rescue Committee’s Myanmar director, Mohamed Riyas, na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pag-rescue sa mga gumuhong gusali.

Ilang libong katao na rin ang nabigyan nila ng mga pansamantalang masilungan.

Malaking hamon pa rin sa kanila ang rescue operations dahil sa putol ang linya ng komunikasyon at suplay ng kuryente maging ang mga daanan ay nasira.

Aabot na 144 ang nasawi at mayroong 732 ang sugatan kung saan mayroon din ng mga ibang residente ang naiulat na nawawala.

Nanawagan na rin ang mga international aid group sa military junta na huwag pigilan ang mga papasok na mga truck ng militar na mayroong dalang mga gamot at pagkain.

Habang sa Thailand naman ay mayroong pitong katao ang kumpirmado at patuloy na hinahanap ang nasa 81 na mga construction workers mula sa gumuhong gusali.

Nagpadala na rin ng tulong ang ilang mga bansa para sa mabilis na pag-rescue sa mga naipit sa malakas na lindol.