-- Advertisements --
Napilitan ang mga rescuer na pansamantalang itigil ang rescue operation kanina sa mga gumuhong gusali sa Porac, Pampanga dahil sa malakas na aftershocks.
Bandang alas-2:00 ng madaling araw kasi nang makapagtala ng 4.5 magnitude na pagyanig.
Ang mga panibagong lindol ay bahagi pa rin ng epekto ng malakas na 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.
Aminado naman ang rescuer na habang tumatagal na hindi nahahanap ang iba pang natabunan ay lumiliit din ang tyansa ng mga ito na makuha ng buhay.
Gayunman, hindi umano ganap na ihihinto ang search and rescue operation hanggang may “signs of life,” kagaya ng kaluskos o anumang paggalaw sa ilalim ng debris.