-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kahit mapanganib lumusong ang rescue team ng Datu Montawal Maguindanao para mamahagi ng tulong sa mga pamilya na sinalanta ng baha.

Itoy pinangungunahan ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Officer Bal Kadiding kasama ang mga tinaguriang Dragon boys na walang takot na pumasok sa mga binahang barangay maipaabot lamang ang mabilis na tulong sa mga kababayan.

Sinabi ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal na noong papasok pa lang ang buwan ng tag-ulan ay naghahanda na sila ng tulong o relief goods sa mga residente na tamaan ng baha.

Ang bayan ng Datu Montawal ay laging binabaha tuwing may sama ng panahon o buwan ng tag-ulan dahil malapit lamang ito sa Pulangi river at cut basin ng tubig baha.

Dagdag ng Alkalde na nagtutulungan ang LGU,Father and Son cares at mga ahensya ng gobyerno sa anumang sakuna na tumama sa bayan.

Isa rin sa susi sa mabilis na tulong sa mga sinalanta ng baha ay ang inisyatiba ng unang ginang ng bayan na si Bai Kristel Montawal na nanguna sa repacking ng relief goods.

Inaasahan rin na darating ang karagdagang tulong sa bayan ng Datu Montawal mula sa provincial Government sa pamumuno ng Agila ng Maguindanao na si Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.