Isang hamon ngayon ang sobrang napakalamig na klima para sa mga miyembro ng Philippine rescue team na ipinadala sa Turkey para asistihan ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang paggampan ng rescue team ng Pilipinas partikular na ng Urban Search and Rescue at mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pagtulong sa search and retrieval operations.
Ayon kay Dr. Ted Esguerra, team doctor ng MMDA-EDC Rescue team, parte ng 82 man ng Philippine contingent na kahit nawalan ng bahay matapos na gumuho dahil sa lindol ang mga local o residente sa Turkey ay nagagawa pa rin nilang ipakita ang kanilang appreciation sa pagtulong sa mga rescuer sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at pagsisindi ng bonfires.
Ibinahagi din nito ang naging sitwasyon nang muling tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa may border region ng Turkey at Syria noong Pebrero 20 lamang.
Nagsipulasan ang mga tao mula sa mga bus terminal subalit sa kabutihang palad ay wala namng naitalang nasugatan at nasirang kagamitan.
Una ng sinabi ng Office of the Civil Defense na ititigil na ng Philippine Inte-Agenmcy Humanitarian Contingent to Turkey ang kanilang rescue operatiosn sa Turkey sa araw ng Biyernes, Pebrero 24 dahil wala nang makukuhang buhay pa mula sa mga gumuhong gusali dahil sa pagtama ng malakas na lindol.