-- Advertisements --
image 462

Nakarekober ang urban search and rescue (USAR) team ng Pilipinas ng anim na labi ng mga biktimang natabunan ng mga gumuhong gusali sa Adiyaman na isa sa mga probinsiya na matinding naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Nasa kabuuang 36 na mga gusaling sinira ng lindol ang sinuyod ng Filipino responders.

Samantala, nasa kabuuang 938 na mga pasyente ang nalapatan ng lunas ng Philippine emergency medical assistance team (PEMAT) mula Pebrero 11 hanggang 23.

Ngayong araw ang pagtatapos ng operasyon ng ipinadalang 82-man response team mula sa Pilipinas at inaasahang makakabalik sa bansa ng hindi lalagpas sa Marso 1.