-- Advertisements --

Nakarating na ang 83-man rescue team ng Pilipinas sa Istanbul sa Turkey ayon sa kumpirmasyon ng Office of the Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD Joint Information Center head Diego Agustin Mariano, lumapag ang sinakyang eroplano ng rescue team ng bansa kaninang tanghali oras sa Pilipinas.

Orihinal na binubuo ang contingent ng Pilipinas ng 87 miyembro subalit nagkaroon ng isyu sa mga dokumento ng apat sa mga ito.

Ayon sa OCD official, dalawa mula sa OCD ang hindi nakasama dahil sa kawalan ng travel documents at ang dalawa naman mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay dahil sa kawalan ng mga dokumento.

Kabilang sa 83 man team na ipinadala sa nilindol na mga bansa sa Turkey at Syria ay binubuo ng military at medical personnel kasama ang mga miyembro mula sa MMDA.