Nakahanda na ang mga rescue team ng bawat local government unit sa Eastern Visayas sa inasaahang paglandfall ngayong araw ng bagyong Odette.
Nadagdagan na rin ang bilang ng mga nagsilikas sa mga evacuation centers dahil sa inaasahang mga pag-ulan dahil sa bagyo.
Suspendido naman ang pasok sa lahat ng lebel at trabaho sa iba’t ibang LGUs sa rehiyon.
Samantala, sa bahagi naman ng Eastern Samar, ipinahayag ni Gov. Ben Evardone, na nakahanda na ang kanilang provincial government sa posibleng epekto ng bagyo.
Ayon pa kay Gov. Ben, nakapreposition na ang mga family food packs at non food items para sa mga evacuees at maapektuhan ng bagyo.
Ipinahayag naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakahigh-alert at 24 oras na nakadeploy ang kanilang mga linemen sa mga strategic areas sa rehiyon kung saan makikita an mga transmission lines upang masigurong makakapagresponde agad sakaling magkaroon ng damages sa mga linya ng kuryente sa rehiyon.