TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang ginagawang pagtulong sa search, rescue and retrieval operations ng 15 rescue teams mula sa Northern Luzon Command sa Pampanga kasunod ng 6.1 magnitude na lindol
Sinabi ni Major Ericson Bulusan, tagapagsalita ng Northern Luzon Command na naka-focus ang kanilang operasyon sa Porac kung saan may gumuhong supermarket dahil sa lindol.
Ayon sa kanya,mayroong 20 na missing dahil sa pagyanig.
Idinagdag pa ni Bulusan na kinukumpirma na nila ang ulat na may isang bata na namatay matapos na madaganan ng boulders sa San Marcelino, Zambales.
Kaugnay nito, sinabi ni Bulusan na unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Pampanga at karatig lalawigan na nakaranas din ng pagyanig.
Ayon sa kanya, naibalik na ang supply ng kuryente at signal ng komunikasyon sa ilang lugar.