-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Upang mapalakas at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga miyembro ng mga rescue team ng mga bayang nakakaranas ng pagbabaha, nakiisa sa isang training ang mga myembro ng Kabacan, Cotabato Incident Quick Response Team.

Anim sa mga ito ang sumailalim sa pagsasanay sa Water Search And Rescue (WASAR) na pinangunahan ng lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay MDRRM David Don Saure mainam ang ganitong pagsasanay lalo pa’t isa ang bayan sa nakakaranas ng mga pagbabaha.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa lalawigan kaugnay sa nasabing pagsasanay.