-- Advertisements --
Bahagyang nahinto ang ginagawang rescue operations sa 20 nawawalang katao dahi sa nangyaring landslide sa Atami City, Japan.
Sinabi ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na mayroong 19 na katao na ang kanilang nailigtas at 130 gusali ang naapektuhan ng pagbaha at landslide.
Pinayuhan nito ang mga mamamayan na maging alerto at maging maingat.
Bukod sa walang humpay na pag-ulan ay umapaw din ang ilog sa nasabing lugar na sanhi ng malawakang landslide.