Mas tututukan ngayon ng research body ng Department of Science and Technology ang food at water security ng Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pag-inda ng ating mga kababayan nang dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maging ng umuusbong na iba’t-ibang mga issue sa food supply ng ating bansa.
Ayon kay DOST-National Research Council of the Philippine president, Dr. Leslie Michelle Dalmacho, kasalukuyan nang nagsasagawa ng research ang kanilang kagawaran para sa layuning mas ma-improve pa ang crop production at farm to market processes sa bansa.
Bukod dito ay nagsasagawa rin aniya sila ng kaukulang pagsusuri at pag-aaral sa iba’t-ibang isyu na may kaugnayan sa tubig, kapaligiran, enerhiya, kalusugan, at maging sa food and nutrition na kinakaharap ng Pilipinas.
Habang sa ngayon ay nagsasagawa rin aniya sila ng policy research related to public welfare.