-- Advertisements --

Nakapag-imbak ang National Food Authority (NFA) ng mga reserbang katumbas ng halos 7.17 milyong mga sako ng 50 kilograms na bigas ngayong taon.

Ang bilang na ito ay ang pinakamataas na inventory level ng ahensya matapos ang limang taon at nakitang labis na nakatulong sa mga lokal na magsasaka dahil sa mataas na buying price na mula sa P27/kilo ay tinatayang nasa P24/kilo na ngayong taon.

Sa kabila ng mataas na porsyento nang naging pagiikmbak ng ahensya, tiniyak ni NFA Administrator Larry Lacson na mayroong sapat na pondo ang kanilang tanggapan para sa pagbili ng mas marami pang palay.

Aniya, kaya pang makabili ng NFA ng humigit kumulang 500,000 metric tons ng palay na siyang tinatayang aabot at katumbas ng 6.3 milyong sako ng giniling na bigas.

Samantala, kasalukuyan namang pinapaganda na ng NFA ang kanilang mga pasilidad at mga imprastraktura para sa mas maayos na imbakan kabilang na dito ang kanilang mga handling facilities.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang NFA na patulloy lamang ang kanilang mga ahensya sa paghanap ng mga paraan para mas mapahusay pa ang pagiimbak ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka.