Bahagyang bumaba ang reserbang dolyar ng Pilipinas sa $103.4 billion sa pagtatapos ng Abril ngayong taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ito ay mas mababa kumpara sa $104.1 billion sa pagtatapos ng Marso.
Ang buwanang pagbaba sa gross international reserves (GIR) level ay pangunahing dulot ng withdrawal ng net foreign currency ng gobyerno mula sa deposito nito sa BSP para bayaran ang panlabas na utang at iba’t ibang expenditures.
Subalit nagpapakita naman ang panibagong gross international reserve level ng mahigit pa sa sapat na external liquidity buffer o stock ng liquid assets na katumbas ng 7.7 months na halaga ng pag-aangkat ng goods at pagbabayad ng mga serbisyo at primary income.
Ang GIR nga ay nakikitang magiging sapat kung kaya nitong tustusan ang 3 buwang halaga ng pag-aangkat ng bansa ng goods, pagbabayad ng mga serbisyo at primary income.