-- Advertisements --

Tumaas ang reserbang dolyar ng Pilipinas sa pagtatapos ng Nobiyembre ng kasalukuyang taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ay sa gitna ng pagtaas ng halaga ng gold at net income ng central bank mula sa mga investment sa ibang bansa.

Sa preliminary data mula sa BSP, lumalabas na umakyat sa $101.3 billion ang gross international reserves (GIR) ng bansa o isang pamantayan ng kapasidad ng bansa na i-settle ang import payments at service foreign debt sa unang 9 na buwan ng 2023.

Ito ay mas mataas kumpara sa naitalang $101.1 billion reserbang dolyar noong Oktubre ngayong taon.

Inilarawan ng BSP na ang reserbang dolyar ng bansa nitong Nobiyembre bilang mahigit pa sa sapat na external liquidity buffer dahil kaya nitong tustusan ang 7.5 buwan na halaga ng mga inaangkat na goods at pagbabayad ng mga serbisyo at primary income.