-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Energy na bahagyang bababa ang power reserves sa buwan ng Mayo at Hunyo.
Sa ngayon ay nakabantay ang ahensya ang unang linggo ng dalawang buwan upang maobserbahan kung mayroong pagnipis ng reserba.
Inasahan raw nila na dapat ay mayroong 4% na sobra sa regulating reserve requirement na nagbabalanse sa frequency.
“So tinitingnan natin ang possibility na magkaroon ng kulang na reserba sa regulating reserve at saka dito sa contingency reserve sa first week and second week ng May, first week and second week ng June” ayon pa kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng ahensya sa publiko na hanggat maaari ay tipirin ang enerhiya.