-- Advertisements --

Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maaaring bawasan ng Monetary Board ang reserve requirement ratio (RRR) para sa mga bangko sa halip na ipatupad ang interest rates sa susunod na kanilang pagpupulong.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla, sa panahon ng 2023 Financial Stability Conference kasama ang International Monetary Fund, sinabi ng opisyal na ang sentral na bangko ay naghahanap ng iba pang mga paraan upang paluwagin pa ang mga patakaran sa pananalapi.

Nauna nang sinabi ng BSP na layunin nitong bawasan ang reserve requirement ratio sa single digits sa 2023 mula sa kasalukuyang 12%, na kabilang sa pinakamataas sa rehiyon.

Nauna ring sinabi ni Medalla na maaaring i-pause ng BSP ang pagtaas ng interest rate dahil sa pababang takbo ng inflation na nararanasan ng ating bansa.