Binigyang pagkilala ni Senador Robinhood Padilla ang mga reservists ng mataas na kapulungan ng Kongreso kasabay ng kanilang panunumpa sa watawat ng Pilipinas ngayong Araw ng Kasarinlan.
Nasa 48 ang mga nagsipagtapos ng Basic Citizens Military Course (BCMC) Class 10 sa pangunguna ng senador.
Kinilala ni Padilla ang mga kawani ng Senado na sumabak at tinapos ang kurso para maging bahagi ng AFP Reserve Command partikular ng Philippine Navy.
Aniya ang mga kasundaluhan ay isang inspirasyon sa taumbayan dahil handa ang mga ito na tinanggap ang hamon para sa pagmamahal sa bayan.
Sa talumpati ni Padilla, sinabi rin nito na bagamat ang ginugunita ngayon ay pagiging malaya ng bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan pero ang bansa ay patuloy pa ring nakikipaglaban na maging malaya mula sa kahirapan.