Hinimok ni Outgoing Senate President Vicente Sotto III ang incoming administration na magkaroon ng reshuffle sa mga opisyal ng Deaprtment of Agriculture sa gitna ng alegasyon sa agri-smuggling sa bansa.
Ito ay matapos na madawit ang pangalan ng ilang ranking officials ng DA at ng bureau of Customs bilang protector at sumgglers umano ng agricultural products sa inilabas na intelligence report na isinumite sa Senado.
Kabilang sa mga pinangalanan na sangkot sa umano’y agri-smuggling sina Customs Commissioner Leonardo Guerrero, Navotas Mayor Toby Tiangco, Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, Bureau of Plant Industry Director George Culaste, Bureau of Fisheries at Aquatic Resources Director Eduardo Gongona.
Base sa intel report, aabot sa P667.5 million halaga ng gulay at agri-fishery products ang pinuslit sa bansa mula noong 2019 hanggang sa kasalukuyan.
Ayon sa Senador, maaaring gamitin ito ng incoming Congress para ipagpatuloy ang imbestigasyon.
Mariin namang itinanggi ni BOC’s Import and Assessment Lawyer Yasser Abbas ang pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa umano’y iligal na aktibidad.
Nauna ng inanunsiyo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr na kaniyang pansamantala munang pamumunuan ang DA sa unang bahagi ng kaniyang termino para maresolba ang mga isyu sa kagawaran.
-- Advertisements --