Nakatakdang magpatupad ng panibagong pagbalasa sa mga matataas na opisyal ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa darating na 2019 midterm elections.
Ito ang idineklra ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde kasabay nang pagsabi na nagsimula na ang re-assignment ng ilang mga provincial directors para matiyak ang isang fair and honest election.
Tinukoy ni Albayalde ang pagpapalit sa provincial director ng Zambales at napipintong pagtatalaga ng mga bagong opisyal sa PRO 4A, NCRPO at sa iba pang panig ng bansa.
Ayon naman kay PNP spokesperson C/Supt. Benigno Durana layon ng balasahan ay para i-level ang “playing field†at masiguro na hindi makaka-impluwensya ang mga pulis opisyal na may mga kamag-anak na tatakbo sa halalan.
Sinabi ni Durana, pansamantala lang ang paglipat ng mga opisyal hanggang sa matapos ang halalan.
Maari naman aniyang ibalik sa dati nilang pwesto ang mga na-reassign na opisyal lalo na kung maganda naman ang kanilang performance.