-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nangangamba ang maraming residente sa mga apektadong bayan sa Batangas na lumikas kaugnay ng nag-aalburotong Bulkang Taal dahil sa umano’y serye ng mga nakawan.

Salaysay ni CJ Bulawan, tubong Daraga, Albay subalit nananatili sa Agoncillo, Batangas sa Bombo Radyo Legazpi, tanging dalawang damit na pambata lamang ang nadala ng pamilya sa paglikas.

Ipinagpapasalamat nitong tinulungan sila ng amo ng ina sa binababatayang resort kaya’t nailikas patungong Parañaque.

Binalikan pa nito ang hirap sa paglabas sa Agoncillo sa pagputok ng bulkan lalo na sa matinding traffic at zero visibility na area sa tindi ng bagsak ng abo.

Sa kabila ng krisis dahil sa bulkan, umaasa itong may mababalikan pang ari-arian sa lugar.

Samantala, hindi naman nakalimutan ni Bulawan na pasalamatan ang mga tumutulong sa mga biktima ng kalamidad, maging sa Diyos dahil buo pa rin ang kanilang pamilya at walang napahamak.