-- Advertisements --
Lumikas na ang maraming residented ng Louisiana at Mississippi bilang paghahanda sa paparating na hurricane Sally.
Ayon sa US National Hurricane Center, tinatahak ng hurricane Sally ang Gulf of Mexico.
Inaasahan na ito ay maglaland-fall sa araw ng Miyerkules ng umaga oras sa Pilipinas.
Asahan na rin aniya ang malakas na pag-ulan at storm surge ang mga residente ng Louisiana at Florida.
Ito na ang pang-walong tropical storm o hurricane na tatama sa US ngayong taon.
Patuloy ang apela ni Louisiana Governor John Bel Edwards sa mga residente na sumunod ng maayos sa panawagan nilang paglikas.
May taglay na lakas nito na 85 miles per hour.