-- Advertisements --
dugong bombo photo

BACOLOD CITY – Hindi inaalintana ng isang residente sa Negros Occidental ang pagtawid mula sa isla at pagbyahe papuntang Bacolod para lang makapag-donate ng dugo kasabay ng Dugong Bombo 2019.

Madaling-araw pa lang, umalis na sa kanilang bahay ang 63-anyos na si Manuel Pasustento ng Sipaway Island, San Carlos City upang maaga ring makarating sa Bacolod dahil ilang minuto pa ang kanyang byahe sakay sa motorbanca.

Ayon kay Pasustento, ito na ang pangalawang pagkakataon na boluntaryo itong nag-donate ng dugo sa bloodletting activity ng Bombo Radyo.

Aniya, malakas ang signal ng Bombo Radyo Bacolod sa kanilang lugar kaya’t masugid itong tagapakinig ng himpilan.

Samantala, hindi rin nagpahuli si Maui Sonio ng Brgy. Lag-asan, Bago City, Negros Occidental na 42 times ng nagpakuha ng dugo kung saan pito dito ay kasabay ng Dugong Bombo.

Aniya, nagdo-donate siya ng dugo kada tatlong buwan dahil masarap ang kanyang pakiramdam.

Nakasanayan na rin ni Leonard Malaluan ng La Carlota City, Negros Occidental ang pagdo-donate ng dugo bawat taon.

Sa katunayan, ito na ang ika-15 pagkakataon na nakibahagi siya sa Dugong Bombo at naging matagumpay na blood donor.