-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Aabot sa P230,000 ang halaga ng danyos mula sa natupok na mga bahay sa Brgy. Tabuk, Isabela City, Basilan matapos maabo ng sumiklab na sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na pumatay sa isang residente ng Purok 7.

Batay sa inisyal na ulat, nasa 13 bahay ang nasunog. May dalawa namang partially damaged.

Pasado alas-2:00 ng madaling araw kanina nang maideklarang fire out sa lugar.